Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 3



Kabanata 3

Natumba si Madeline sa lapag matapos sipain. Pinrotektahan niya ang kanyang tiyan nang hindi

namamalayan. Bago pa man siya makapagpaliwanag, sinampal ulit siya ni Jon sa ulo.

“Ikaw p*ta ka! Bakit naman papatayin ni Meredith ang sarili niya para sa isang kagaya mo! Ikaw ang

dapat na mamatay.”

Habang nagngingitngit ang ngipin, binitawan ni Jon ang mga salitang ito. Talagang sagad sa buto ang

galit niya kay Madeline.

“Papa, ayos lang po. Hindi talaga ako itinadhana kay Jeremy. Hindi ko po sinisisi si Maddie.” Rinig ang

mahinang iyak ni Meredith mula sa kabilang dulo ng kwarto.

Dumudugo ang gilid ng labi ni Madeline, at pumapantig ang ulo niya mula sa sakit. Tiniis niya lang ito

at inangat ang ulo. Bilang resulta, nakita niyang nakasandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy. Ganoon

din, naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata niya.

Hagkan ni Jeremy ang umiiyak na si Meredith. Puno ito ng lambing tila ba pinoprotektahan niya ito.

Nakakatuwa ang eksenang ito, subalit masakit ito sa puso ni Madeline.

Kung hindi iyon nangyari, si Meredith dapat ang magiging asawa ni Jeremy at hindi ang isang kagaya novelbin

niyang ampon at nakikitira sa bahay ng iba.

Kahit hindi naman niya pinlano ang lahat, sa pagkakataong ito, nakaramdam siya ng matinding inis sa

sarili.

“Mer, talagang tinutulungan mo pa ang walang kwenta na iyan? Kung hindi niya ginawa ang patibong

na ito, Mrs. Whitman ka na dapat ngayon! Hindi ka malulungkot sa puntong papatayin mo na ang sarili

mo dahil di mo makapiling si Jeremy. Masyado kang mabait sa pagtulong mo sa kanya!’ Nagagalit na

si Jon para sa anak niya.

“Pa, tama na.” Bumuntong-hininga si Meredith at tinignan si Madeline na puno ng sakit ang mga mata.

“Maddie, kung gusto mo talaga si Jeremy, sinabihan mo na lang sana ako. Hindi na ako makikipag-

away sa iyo. Bakit mo ba iyon ginawa? Nadismaya ako.”

“Mer, hindi ko…”

“Sino ka para sabihing hindi ikaw ‘yun!” Galit na talaga si Jon. “Ang tigas pa rin ng ulo mo ha, wala

kang kwentang hayop ka? Sige, ako na ang papatay sa iyo!”

Binuhat ni Jon ang upuan sa kwarto pagkatapos iyon sabihin. Sa kabilang banda, nanginginig sa takot

si Madeline at agad niyang tinakpan ang tiyan niya.

“Bakit andito ka pa? Gusto mo bang mamatay?” Malamig na sabi ni Jeremy.

Natigil si Jon sa ere habang hawak ang upuan.

Nanginig si Madeline at agad na tumayo mula sa lapag.

Para sa kanyang anak na hindi pa lumalabas sa mundo, agad siyang tumakbo.

Ibinaba niya ang kanyang ulo mula sa mga nanonood at sa mga taong kinukutya siya. Tinakpan na

lang rin niya ang namamagang mukha at tumakbo habang nag-iika-ika nang lakad.

Nang makaabot na siya labasan, napansin niyang wala ang cellphone niya. Kaya kinailangan niyang

bumalik.

Nang maabot na niya ang elevator, biglang nagbukas ito at nakita niyang palabas doon si Jeremy.

Nakatayo lamang ito nang tuwid at walang takot. Ang kanyang gwapong mukha ang dahilan para

mangibabaw siya.

Subalit, nagtaka si Madeline kung agad itong aalis. Hindi ba dapat magtagal muna siya kasama si

Meredith?

Hindi na siya nag-isip pa. Ibinaba na lang niya ang ulo at naglakad papunta sa elevator.

Para siyang isang nahihiyang magnanakaw. Nagtungo siya sa pinto ni Meredith at kinuha niya ang

kanyang cellphone sa gilid ng dingding.

Gusto nang umalis ni Madeline nang kunin niya ang kanyang cellphone. Subalit, sa pagkakataong

yumuko siya, narinig niya ang masiglang tawa ni Meredith sa loob ng kwarto.

“Hmph, ang saya ko talaga nang makita kong nabugbog ang ignoranteng iyon. Hindi niya na nga ma-i-

angat ang ulo niya eh.”

Ignorante?

Hindi makapaniwala si Madeline. Siya ba ang tinutukoy nito?

“Hmph, kung hindi ako nagkamali ng pinuntahang kwarto no’n, ako sana ang kasama ni Jeremy sa

gabing iyon! Paano ko naman hahayaang ang ignoranteng iyon ang magkaroon ng benepisyo rito?

Galit nag alit ako sa tuwing iniisip ko na nadumihan na niya ang pagkatao ni Jeremy.”

Pagkatapos iyan sabihin ni Meredith, namutla ang mukha ni Madeline. Nanigas siya at tila ba

nahirapang huminga.

Nagsimula nang lumitaw ang katotohahan subalit wala siyang lakas para paniwalaan ito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.