ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 27



Farrah Nicolah's POV:

"Ma'am Pints, excited na 'ko sa team building na'tin!"

Napabaling ako sa lakas ng boses ni Sheila. My curious self is simply listening to their conversation. Team building? Hindi ko alam 'yan ah.

"May team building po tayo, Ma'am?" Tanong naman ni Via. Mukhang hindi lang pala ako ang walang alam patungkol sa outing na iyon.

Habang nakikinig ay nagpatuloy naman ako sa pagtanggal nang working shoes ko. Nasa locker room na kami ngayon dahil close na ang restaurant at tapos na ang shift namin. Kasama ko si Ma'am Pinty, Via, Patricia, Nicha, at Sheila na mukhang sinadya talaga ang pagbalik nito dito ngayong gabi. Morning shift ito kaya hindi ko alam kung bakit nandito ito ngayon. Iyong mga taga kusina naman ay hindi pa ata sila tapos doon sa loob. Mas late din kasi ang out nila kaysa sa amin na mga taga dining.

"Ah, oo. Kaso hindi pa final 'yong date. Itatanong ko pa kay Chef kung kailan talaga." narinig kong sagot naman ni Ma'am Pinty.

"Hindi niyo pa pala alam? Oppps sarreh Ma'am Pints. Akala ko nasabi niyo na sa kanila." exagge itong nabigla at maarting nag peace sign.

Napaismid ako sa dito. Ano naman ngayon kung nasabi niya 'yon? Dapat ba ay sekreto 'yon? Minsan talaga, itong si Sheila masyadong pabida. Nagpapaka I-know-it-all na naman eh.

"Okay lang naman. Hindi ko pa nasasabi sa lahat kasi hindi pa nga final 'yong date. Sasabihin ko na lang sa isa sa mga briefing natin pag nag go signal na si Chef." sagot naman no Ma'am Pinty.

Bigla akong napabaling sa gilid ko nang nag vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong pinulot nang makita kong napatingin din si Via do'n. Magkatabi lang kami kaya naramdaman niya din siguro nang medyo gumalaw 'yong couch na inuupoan namin. Shocks! Feeling ko nakita niya ang pangalan ni Flynn na nag appear sa screen ng phone ko.

I immediately cancelled Flynn Noah's call. Pagkatapos ay napatingin ako kay Via. Tumaas ang isang kilay niya kaya napalunok ako bigla. I just ignore her at mabilis ko na lang kinuha ang damit ko at pumasok na sa restroom para makapagbihis. Pagkapasok ko sa banyo ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nag type ng message para kay Flynn.

To: Flynn Noah

Flynn, sorry. Nagbibihis pa ako.

Sent!

Mabilis naman itong nag reply.

From: Flynn Noah

Oh! I'm sorry if I called. I just want to inform you that I will be waiting for you here in my car. Take your time there, okay?

Hindi na ako nag reply pa at nagsimula nang magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso muna ako sa may lababo at kinuha ang baonan na nilagay ko dito kanina. Inilagay ko iyon sa bag ko at bumalik na sa kung saan nakaupo ang aking mga kasamahan.

"Ma'am Pinty, una na po ako ha?" magalang na pag papa-alam ko sa aming manager in charge ngayong gabi.

"Okay. Ingat sa pag-uwi, Nicolah!" sagot niya naman sa'kin.

"Salamat po, Ma'am." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Pagkatapos ay bumaling ako kila Via at sa iba ko pang kasamahan. "Una na ako sa inyo ha? Bye!"

Nagpaalam din sila sa akin bago ako mabilis na naglakad papunta sa parking lot. Dumiretso agad ako sa parking space ni Flynn. Kumatok ako sa magarang kotse niya at binuksan ang pinto nito.

Bumungad sa akin ang isang matamis na ngiti ni Flynn kaya napakunot ang noo ko. Pa fall talaga 'tong isang 'to!

"Hi." tipid kong bati sa kanya nang makaupo na ako sa shotgun seat.

"How was your day? Tired?" tanong naman ni Flynn sa'kin.

"Normal lang 'yon dahil nagtatrabaho ako." I shrugged, "Anyways, thank you for asking."

"No. Ako dapat ang nag papasalamat sa iyo, sa inyo. I know all your hardwork every day. That is why, I am really blessed to have all of you at FN Lewis Restaurant." madamdamin namang wika nito habang may ngiti sa mga labi. "Nako! Di mo lang alam. Mas swerte kami na ikaw ang amo namin no! Dahil hindi ka katulad sa iba na walang pakialam sa mga manggagawa nila." Napaismid ako nang maalala ko ang aking previous employer.

"Ang palagi lang nilang inu-una ay ang paglago ng negosyo nila at ang profits na nakukuha nila. Samantalang ikaw, pinapahalagahan mo kaming mga empleyado mo. Kaya mas swerte kami sa'yo!" mahaba-habang sentimenyto ko naman sa kanya.

Namamangha naman itong nakatingin sa akin kaya napanguso ako. Naging madaldal ata ako bigla ah?!

"Dapat lang naman na pahalagahan ko kayo. Because, if it's not because of all of you, my restaurant will not be this successful."

"O, sige! Pareho nalang tayong mga ma swerte sa isa't-isa. Para matapos na 'tong argumentong ito!" nakangising sabi ko at napailing.

Nakita ko namang tumaas ang kilay nito at may multong ngiti sa labi.

"Yeah, right! Ma swerte nga tayo sa isa't-isa." tumatango'ng sambit nito at parang may iba pa itong ipinapahiwatig.

Bumuntong-hininga nalang ako at hindi na nagsalita. Hahaba lang ang usapan namin kung sasagot pa ako. Anong oras kaya kami makakauwi kung gano'n?

Ngunit, napasighap ako nang bigla nalang itong lumapit sakin. Mabilis kong naipikit ang aking mga mata at bahagyang ininguso ang aking labi. Para itong may mga sariling isip nang gawin iyon.

Hinihintay kong halikan niya ako. Pero, mag iisang minuto na ang lumipas wala pa ding dumadapo sa labi ko. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at nakita kong nakangisi lang ito habang tinitignan ako.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Shete! Napahiya ako do'n ah! Mataray ko siyang inirapan para matabunan ang aking kahihiyan. Tss, paasa naman kasi ang isang 'to eh! Akala ko lang naman hahalikan niya na naman ako! Pfft.

"Let's go?" nakangisi pa din ito habang tinatanong iyon. Sarap sapakin nang isang 'to. Che!

Nakasimangot akong tumango sa kanya at inihilig nalang ang likod ko sa upuan. Inayos naman nito ang seatbelt ko bago pinaharorot ang sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas nang biglang nagsalita si Flynn.

"It's your day-off tomorrow, right?"

"Oo." Maikling kong sagot bago pumihit paharap sa kanya. "Bakit?"

"Can I get you out tomorrow?" tanong naman nito sa'kin nang hindi inaalis ang paningin sa kalsada.

Napanguso ako. "Hmm... Saan naman tayo pupunta?" curios kong tanong sa kanya.

He just glanced at me sideways bago ibinalik ulit ang sa kalsada ang paningin. Inabot nito ang kamay kong nakapatong sa aking hita at hinawakan iyon. Napa buntong-hininga ako. Pa fall talaga tong isang 'to! Para kaming mag boyfriend sa pinaggagawa nito!

"Of course, that would be a secret as of now." Dinala nito ang kamay ko sa mga labi nito at masuyong hinalikan. Napairap ako. "So, is it a yes or no?"

Napaisip ako. Wala naman akong gagawin bukas kaya paniguradong magdamag na naman akong nasa bahay. Boring 'yon panigurado kaya... "Hmm.. Okay." I shrugged. "Labas ta'yo bukas."

Umarko ang labi nito na parang nangingiti. Napairap nalang ako at umayos sa pagkaka-upo.

Ilang minuto ang lumipas ay inihinto na ni Flynn ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada malapit sa gate ng compound kung saan ako nakatira. Humarap ako sa kanya nang may naalala. "Day-off mo din ba bukas?"

Naningkit ang mga mata ko nang marahan itong tumawa. Anong nakakatawa?!

"You did know that I am the owner of that restaurant, do you?" Namamanghang tanong nito sa'kin.

"Syempre alam ko!" Humalukipkip ako at pinandilatan siya. "Ang ibig ko lang namang sabihin ay kung hindi kaba busy bukas!"

"Well, I can always make time for you, anytime."

Simpleng wika naman nito. Na para bang hindi ito isang busy na businessman at COO ng isang malaking kompanya. Ngumuso ako at tumango nalang. "Okay, sabi mo eh. Siya nga pala, salamat sa paghatid na naman sa'kin." Ani ko at nginitian siya. "Papasok ka ba sa loob?"

Sa araw-araw niya akong hinahatid dito sa amin, minsan ay pumapasok siya sa loob para magpahinga muna ng mga 10 minutes bago siya uuwi. Ngumiti si Flynn sa akin at hinawakan ang baba ko. Napaatras ako ng kaunti ngunit hindi ko parin napigilan nang pinatakan niya ko ng isang halik sa labi. "Hindi na ako papasok." Wika nito habang nakangiti pa rin. "I'll just pick you up tomorrow, okay?"

"Ah. Sige, mag-ingat ka sa byahe."

"Oo. Mag-iingat ako para sa'yo." Bolerong banat nito at kinindatan pa ako! Napailing nalang ako at lumabas na sa sasakyan niya.

"Ewan ko sa'yo! Sige na, umalis ka na dahil masyadong late na. Text mo nalang ako pag nakauwi kana ha?"

"Yes, boss!" pabiro pa itong nag salute sa'kin. Hay nako! Nakakahatala na ako. Lumalabas na ang lokong side ng Flynn na'to. "Goodnight, baby. See you tomorrow!" Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan ni Flynn bago ako pumasok sa loob. Pagkabukas ko ng pintuan sa bahay namin ay nagulat ako ng madatnan ko si Mama. "Oh, Ma?! Ba't andito po kayo? Wala po ba kayong trabaho ngayon?"

Lumapit ako kay Mama na nakaupo sa salas. Kinuha ko ang kamay niya at nag-mano.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak." wika ni Mama at bumuntong-hininga, "Hindi ako pumasok ngayon anak. Sumakit kasi ang ulo ko kanina at nahihilo ako."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ha? Bakit po, Ma? Baka kulang na naman kayo sa tulog kanina? Uminom na po ba kayo ng gamot? Ngayon po? Masakit pa ba? Ba't gising ka pa ngayon kung gano'n? Sana nagpahinga nalang kayo ngayon, Ma." Sunod-sunod ang tanong ko habang kinakapa ang noo ni Mama. Nabahala ako bigla. Parang napapadalas na ang sakit ng ulo ni Mama. Noong isang buwan pa tong pasakit-sakit ng ulo niya.

"Kaya nga hindi na muna ako pumasok ngayon, anak. Magdamag akong natulog pagkatapos kung uminom ng gamot kanina. Kakagising ko nga lang ngayon at salamat sa Diyos hindi na naman masakit ang ulo ko." Tumabi ako ng upo kay Mama. Hinawakan ko ang kamay niya. Nababahala akong tumingin sa kanya.

"Anong klaseng sakit po ba ang nararamdaman niyo, Ma? Parang napapadalas na po ata 'yan ah?"

"Ay nako, anak. Wala lang 'to. Baka dahil lang to sa pagbabago ng schedule ko. Halos isang buwan na din kasi akong night shift."

"Eh sabi ko naman kasi sayo na mag resign ka na lang, Ma. Pwede namang ako nalang ang bahalang mag trabaho para sa'ting dalawa."

"Ay anak. Iyan ang hinding hindi ako sasang-ayon. Dahil hanggat makakaya ko pa, magtatrabaho ako sa ayaw at sa gusto mo. Naiintindihan mo ba?" seryosong sambit ni Mama.

Alam ko na naman na hindi ko talaga siya mapigilan. Habang tumatanda mas lalo atang tumitigas ang ulo nito eh. Napabuntong-hininga nalang ako, suko na sa argumentong ito. "Okay po. Pero dapat ipa check-up mo 'yan, Ma."

"Nawala na naman ang sakit, anak. Kailangan ko lang uminom nang pain reliever at magpahinga."

Napailing nalang ako. "Sige, Ma. Pero pag iyan sumakit na naman, kailangan na talaga kitang ipa check-up, okay?"

"O siya, sige na nga." Tumango si Mama sa'kin. "Nga pala kumain kana ba? Ang tagal mo palang umuuwi anak. Ikaw ba 'yong hinatid nong kakaalis lang na sasakyan?" Napakurap-kurap ako at natigilan. Narinig niya siguro ang makina nong sasakyan ni Flynn. Malapit lang kasi ang bahay namin sa mismong gate ng compound. "Ahm.. oo po, Ma." Pag-aamin ko kay Mama.

Tumaas ang isang kilay ni Mama. "Ah.. sino naman 'yon anak? Mabuti naman at hinatid ka pauwi. Bakit di mo man lang pinatuloy dito?" Kyuryosong tanong ni Mama. Napalunok ako. Hindi pa ako handa na ipakilala si Flynn kay Mama. Siguro sa susunod nalang kung... sasagotin ko na siya.

"Ahm. Kaibigan ko po 'yon, Ma. Gabi na din po kasi kaya umalis na din po siya kaagad."All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

"Gano'n ba? Ang bait naman ata ng KAIBIGAN mo at hinatid ka pa talaga, anak? Ipakilala mo sa'kin iyan sa susunod ha? Para makapagpasalamat ako sa kanya sa paghatid ng anak ko pauwi." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagdiin ni Mama sa salitang kaibigan. Bumuntong-hininga nalang ako saka tumango.

"Okay, Ma. Next time nalang po. Pasok na po muna ako sa kwarto Ma."

Pagpapaalam ko sa kanya para makapagbihis na at hindi na tumaas ang usapan namin. Baka mangusisa pa iyon patungkol kay Flynn eh.

Umupo ako sa kama ko pagkapasok ko ng aking kwarto. Napapaisip ako. Saan kaya ako dadalhin ni Flynn bukas? Ano kayang gagawin namin?

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Na e-excite na akong makasama siya bukas. :)

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.