Chapter 12
Chapter 12
“NO!” NAPASIGAW si Yalena nang puro ang mga nakahandusay na duguang lalaki ang sumalubong
sa kanya pagpasok niya sa nakabukas na gate ng rest house ng mga McClennan. Dahil malayo sa
karamihan ang rest house ay walang mga kapitbahay na makaririnig ng komosyon na nangyayari sa
loob. Nakabulagta ang mga nakaitim na polo na mga lalaki, ang mga iyon ang mga gwardiya roon. May
dalawa pang lalaking nakabulagta roon. Kahit hindi niya kilala ang mga iyon ay nasisiguro niyang ang
mga kasamahan iyon ni Dennis.
Nagmamadaling pumasok siya sa loob. Nakabibingi ang katahimikang bumungad sa kanya. Mariing
nakagat niya ang ibabang labi at pilit na pinatatag ang sarili. Iniwasan niyang alertuhin kaagad ang
mga pulis dahil umaasa siyang hindi tuluyang sisirain nina Dennis ang buhay ng mga ito sa ngalan ng
paghihiganti.
Umaasa si Yalena na kapag nalaman ng mga itong wala siyang tinawagang pulis ay hindi maaalarma
ang tatlo at makakapag-usap pa sila kahit paano. Pero huli na. Huling-huli na.
Dennis, ano itong ginawa mo? Nakabangon ka na. Nagawa mong paunlarin ang sarili mo. Pero bakit
ibinaon mo uli ang sarili mo? Nakaahon ka na sa putik pero muli kang bumalik doon.
Namataan niya si Alexandra sa tabi ni Benedict. Parehong nakabulagta ang mga ito. Una niyang
nilapitan ang ginang at sinuri. Napaluha siya nang makita ang duguang anyo nito. Kinakabahang
idinikit niya ang tainga sa dibdib nito. Sa ginawa ay dumikit ang dugo nito sa kanyang damit pero
binalewala niya iyon. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang mapag-alamang tumitibok pa
ang puso nito.
Sumunod na nilapitan ni Yalena si Benedict. Iniangat niya ang duguang katawan nito. Labimpito.
Labimpito ang balang tumama sa dibdib nito. Kasindami na iyon ng bilang ng mga taong namatay sa
squatters’ area sa Valenzuela noon. Napahikbi si Yalena. Hindi na siya umaasang buhay pa ang
matanda.
“I’m so sorry, Benedict.” Gumaralgal ang boses ni Yalena. “For the past years, I wanted you to die but I
stopped thinking about that several months ago. Hindi ko ginustong mangyari ito sa `yo. I’m sorry. Hindi
ko sila napigilan.” Nanlalamig ang mga palad na dinukot niya sa kanyang bag ang kanyang cell phone
at idadayal na sana ang numero ni Clarice nang makarinig ng mga papalapit na yabag.
Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanyang mga mata ang tulalang anyo ni Ansel. Nabitiwan
niya ang cell phone nang mapatingin ang binata sa kanya. Umawang ang bibig nito lalo na nang
mapatingin sa kanyang mga kamay at damit na may bahid na ng dugo nina Benedict.
“A-Ansel, I—” Nahinto sa pagsasalita si Yalena nang makita ang pagbabaga sa galit ng mga mata ng
binata.
“What have you done, Yalena?” parang kidlat sa talim na sigaw ni Ansel. “I never thought you would
stoop this low!”
“ANSEL, please. Ayusin na natin ito. Kausapin mo naman ako,” nakikiusap na sinabi ni Yalena nang
maabutan niya si Ansel sa garahe ng mansiyon ng mga ito. Pinigilan niya ang binata sa braso nang
pasakay na sana ito sa kotse nito. “Pakinggan mo naman ako.”
“I thought action speaks louder than words? Isn’t it obvious that I don’t want to talk to you anymore?
Kailangan ko pa ba talagang sabihin bago mo maintindihan?”
Parang tinusok ng libong karayom ang puso ni Yalena sa mga narinig lalo na nang marahas na alisin ni
Ansel ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Nagliliyab sa galit ang mga matang tinitigan siya
nito. Napalunok siya. Nanakit ang kanyang lalamunan sa kapipigil na huwag mapahagulgol sa harap
ng binata lalo na nang muling manumbalik sa kanyang alaala ang mga binitiwan nitong salita sa
Olongapo noong nakaraang linggo…
“A-Ansel, it wasn’t m-me,” natatarantang paliwanag ni Yalena. “I… I just…” Mariing nakagat niya ang
ibabang labi. Hindi niya alam kung saan o paano magsisimulang magpaliwanag. “Please let’s just call
the ambulance and the police first. Your mother is still alive—”
“How could you?” Parang walang narinig na nilapitan ni Ansel si Yalena. Inilayo nito sa kanya ang ama
nito at mayamaya ay parang torong muli siyang nilapitan at hinawakan sa mga balikat.
Natakot siya. Kitang-kita niya ang matinding pagpipigil sa mukha ng binata para huwag siyang tuluyang
saktan pero bahagya pa rin siyang pinangapusan ng hininga.
“Nasaan? Nasaan ang mga kasamahan mo?” nagtatagis ang mga bagang na sigaw ni Ansel.
Napaluha si Yalena. “Ansel,” kahit hirap sa pagsasalita ay sinabi niya. “It really wasn’t me. Hindi ako
kasama sa mga—”
Malakas na napamura ang binata kasabay ng pagtulak kay Yalena. “For crying out loud, stop with
those crocodile tears, Yalena!”
Kung hindi pa dumating si Alano na tinawagan pala ni Ansel habang papunta sa Olongapo ay hindi pa
matitigil sa pagwawala si Ansel. Halos magkasunod lang na dumating ang magkapatid. Si Alano ang
siyang nag-asikaso ng lahat. Ito ang tumawag ng pulis at ambulansiya. Ang buong akala daw ng
magkapatid ay mayroon nang rumespondeng mga pulis sa rest house para mag-imbestiga pero
nagkamali ang mga ito dahil patay ang lahat ng mga gwardiya sa rest house pati na si Dennis. Patay
rin ang labing-isa pang mga kasabwat nito pero buhay si Jerome kahit may tama ito ng bala sa likod at
balikat. Nasa ospital pa rin ito. Sa kasalukuyan ay mayroong nagbabantay na pulis dito para
pagkagaling ay sa kulungan kaagad dederetso.
Si Alexandra naman ay nasa ospital din pero hindi pa nagkakamalay. Nilipat ito nina Ansel at Alano sa
ospital sa Maynila. Sa Maynila na rin inilibing si Benedict pati na ang mga gwardiyang kasama nitong
namatay na taga-Maynila rin pala.
Siguro kung hindi pa napigilan si Ansel ng mga kapatid ay kasama na rin si Yalena sa ipinakulong nito
dahil matigas ang paniniwala nito na kasabwat pa rin siya nina Dennis lalo na at may mga katibayan
ang binata na nagpapatunay niyon: ang USB na ipinadala ng nasisiguro niyang si Dennis kay Ansel,
kasama ng mga litrato at ilang impormasyon.
Dahil nakasaad sa voice recordings ang mga pag-uusap nina Yalena at Dennis tungkol sa pagbaliktad
nina Maggy at Clarice sa planong paghihiganti ay ligtas ang dalawa kahit paano sa rumaragasang poot
ni Ansel na parehong nakatuon kina Yalena at Jerome ngayong patay na si Dennis. Kinabukasan ay
pwede nang i-discharge sa ospital si Jerome na si Yalena ang idinidiin na mastermind sa mga
nangyari. Mabuti na lang at nagawa pa rin siyang saluhin nina Alano at Austin sa mga pulis. Walang
sapat na ebidensiya si Jerome laban sa kanya dahil napigilan si Ansel ng mga kapatid na ipakita sa
mga pulis ang USB. Hindi siya makukulong.
Pero daig niya pa ang ginawaran ng sentensiya sa uri ng pagtrato sa kanya ni Ansel. Sinabihan siya
nina Maggy at Clarice na pahupain na muna ang emosyon ni Ansel pero hindi siya mapakali. Hindi niya
kayang nagkakaganoon sila.
“Iyong mga ibinigay sa `yo ni Dennis na voice recordings sa USB, kulang ‘yon, Ansel. Hindi niya
isinama ang pag-atras ko sa plano. M-may iniwan ako sa `yo last week na regalo sa closet mo sa
bahay ko. Nakalagay ro’n ang kumpletong voice recordings, Ansel, mula simula hanggang sa huling
pag-uusap namin ni Dennis.
“It was supposed to be my monthsary gift to you because I wanted to tell you the truth,”
nagpapaunawang dagdag ni Yalena. “Necklace recorder ‘yon. Tumigil na ako sa plano nang mahalin
kita. Iyong usapan namin ni Dennis, October last year pa ‘yon. Matapos ang Bagong Taon ay kinausap
ko na siya at tumigil na ako—”
“Necklace recorder, huh?” Sarkastikong tumawa si Ansel. “Sa tingin mo, pagkatapos nang mga
nangyari, paniniwalaan pa kita? Naipabasa na sa akin nina Austin at Alano ang journals ni Dad.
Akalain mo `yon, ako na lang pala ang nahuhuli sa balita? Ngayong nakumpirma ko na ang totoo, `wag
kang mag-alala. Hindi ka susunod kay Jerome sa kulungan. Kaya hindi mo na kailangang ipagpatuloy
pa ang pagpapanggap mo na `to. Amanos na tayo,” mahina pero mariing dagdag ni Ansel. “Dad killed
your parents. And he’s dead now. You’re an accessory to the crime. Kaya bawing-bawi ka na. Nakuha
mo na ang paghihiganti mo. Hindi ko lang inakalang aabot ka sa ganito. Still, congratulations, Yalena.”
“Ansel, `wag ka namang ganyan.” Pagod na pagod nang lumuha si Yalena dahil iyon na ang walang
tigil na ginawa niya sa nakalipas na mga araw. Ang akala niya ay nasagad na siya. Pero nagkamali
siya. “Ano ka ba? Bakit ayaw mong maniwala sa ‘kin? I’m not pretending! God, Ansel. Where did your
love go?” Pumiyok ang kanyang boses. Muli niyang inabot ang braso ng binata. “Buntis ako. Let’s fix
this, please. I don’t want this baby to lose a father just like this.”
Natigilan si Ansel. Pero mayamaya ay nang-uuyam na ngumiti. “Kung totoong buntis ka man, `wag ka
sa `kin mag-drama. Pumunta ka sa sementeryo at papanagutin mo si Dennis. Who knows? Baka siya
pala ang ama niyan?”
Parang sinampal si Yalena sa narinig. “How could you say that? You’re the first man in my life, Ansel!”
Tuluyan na siyang napahagulgol. “You know that!”
“Maybe. And maybe you just used your virginity to trick me. But then again, I may be the first. But
Dennis could be the second or the last. Paulit-ulit kayong patagong nagtagpo noon. Malay ko ba kung
anong milagro ang ginagawa n’yo kapag nakatalikod ako? Kaya utang-na-loob, Yalena, tantanan mo
na ako!” Muli ay marahas na inalis ng binata ang mga kamay niya sa braso nito at basta na lang siya
itinulak.
Sumadsad si Yalena sa sementadong daanan habang tuluyang sumakay na si Ansel sa kotse nito at
pinaharurot iyon. Hindi na nito pinakinggan pa ang pagtawag niya. Nakaramdam siya ng matinding
pananakit sa kanyang puson pati na sa kanyang pang-upo. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya
nang may maramdamang likido na umaagos sa kanyang mga binti. Pagsulyap niya roon ay nabigla
siya nang makitang may dugo.
“Help!” natetensiyong sigaw niya. “My baby…” Kumabog ang kanyang dibdib. “Help!”
Oh, God. The baby is all I have. Please, I’m begging you, `wag mong hayaang pati siya ay mawala sa
akin.
PARANG lumulutang na lumabas si Yalena ng ospital. Pinara niya ang namataang pampasaherong
bus at sumakay roon nang hindi na tinitingnan pa ang maliit na karatulang nakasabit sa harap tungkol
sa direksiyon na pupuntahan niyon. Wala pa rin sa sariling pumasok siya sa loob niyon at naupo sa
dulong upuan. Napatitig siya sa nakabukas na bintana. Parang mababaliw na niyakap niya ang sarili Têxt belongs to NôvelDrama.Org.
kasabay ng paghikbi.
Nagawa siyang itakbo sa ospital ng gwardiya sa mansiyon ng mga McClennan pero doon na
nagwakas ang lahat para sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pipis na tiyan. “We never made time
for you and I, sweetheart,” parang dinudurog ang pusong bulong niya. Nalaglag ang bata sa kanyang
sinapupunan. Napalakas ang pagkakasadsad niya sa sementadong daanan nang itulak siya ni Ansel.
Impit siyang napahagulgol. Ang buong akala ni Yalena ay naranasan niya na ang lahat ng uri ng sakit
sa puso dahil sa ginawa ni Benedict sa kanyang pamilya. Pero walang anumang salita na
maglalarawan sa sakit na nadarama niya nang mga sandaling iyon.
Benedict…gaano ba katindi ang galit mo sa akin para ipamana mo sa anak mo ang sumpa na patuloy
akong gawing miserable? Nang mag-ring ang kanyang cell phone at makitang si Maggy ang
nakarehistro sa screen niyon ay mapakla siyang napangiti. Ini-off niya iyon. Inalis niya ang baterya at
Sim card niyon. Sinira niya ang Sim card. Itinapon iyon kasama ng kanyang cell phone sa labas ng
bintana ng kinalululanang bus.
You told me to use Ansel’s love to fix the pieces of me, to let him love me and let myself love him.
Sinunod kita pero heto ako ngayon. Mas basag kaysa dati.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero sa isang bagay siya nakasisiguro. Ayaw niya na munang
bumalik dahil wala na rin naman siyang babalikan. Hindi siya kasinswerte nina Clarice at Maggy dahil
kay bilis nalusaw ng pagmamahal ni Ansel para sa kanya.
Muling namasa ang kanyang mga mata. Napapagod na pumikit siya. Pagod na siyang makipaglaban.
Pagod na siyang magmahal. Pagod na siyang sumugal at umunawa. Pagod na siyang maging isang
de Lara.
Pagod na siyang mabuhay pa.