Her Name Is Monique

CHAPTER 36: Invited



(Patty)

Nakatitig lamang ako sa professor namin habang nagdi-discuss sa harapan ngunit wala naman pumapasok sa utak ko.

Ang nasa isip ko lamang ay ang mga maaaring mangyare mamaya sa bahay nang mga Dela Vega.

Hindi talaga dapat ako papasok ngayon kaso nakakahiya naman kela Kuya Renz at Tita Kelly. Pinipilit nila na sumabay na ako sa sasakyan ng binata kasama rin si Lina.

Sa totoo lang hindi na ako kumportable na makita o makasama si Lina. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging galit sa akin.

Mas naguluhan pa ako ng bigla banggitin ni Tito Miguel na isama ko na rin daw ang parents ko. Napakunot noo ako dahil ang sinabi ni Kuya Renz sa akin is text ay huwag ko iyon ipaaalam sa mga magulang ko pero bakit ngayon invited na sila?

"Are you okay, Patty?"

Napalingon ako sa katabi ko na si Kuya Renz.

Tinitigan ko lamang siya.

Humarap ito ng maayos sa akin at tinaas-taasan ako ng mga kilay.Exclusive © material by Nô(/v)elDrama.Org.

Alanganin akong ngumiti.

"Naisip ko lang Kuya Renz yung about sa sinabi nang dad mo kanina."

"What about it?"

"Sinabi niya kasi na isama ko sila mommy pero diba ang sabi mo huwag kong ipaalam sa kanila."

"Ahh... Iyon ba.", bigla itong umayos ng upo, tumagilid at humarap sa unahan. "Invite mo na rin sila m-mommy mo para hindi ka mapagalitan." Napakunot noo ako.

"Hi Pat-pat!"

"Patty!"

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

'Kuya Vince and Prince?'

Bakit bigla naging abnormal ang tibok ng puso ko?

Mabagal ang ginawa kong paglingon sa kanilang dalawa.

Naroroon sila sa likuran ko seryosong nakatingin sa isa't isa, nakapamulsa ang kanilang dalawang kamay. Anong meron?

"Nag-away ba kayong dalawa?"

Bungad ni Kuya James doon sa dalawang kanina pa nagsusukatan nang mga tingin, sabay upo sa katapat kong upuan tapos hinila ito at itinabi sa upuan ko. "Hi Princess!", anito na nakangiti saka pi-nat ang ulo ko. "Don't touch her."

"Huwag mo nga siyang hawakan."

Nagulat kami nila kuya Renz at kuya James dahil sa pagtaas ng boses no'ng dalawa. Magkasabay pa sila.

"Badtrip nagulat ako! Ano bang problema niyong dalawa pareng Prince at pareng Vince?"

Nakahawak pa sa dibdib na tanong ni kuya James saka tumayo at kunot noo na tumingin sa dalawa na hindi ko rin maintindihan kung bakit nga ba nagkakaganyan?

Kung hindi lang ako bothered sa dalawa matatawa talaga ako sa itsura ni kuya James ngayon.

"Para kayong mga tanga. Mag-usap nga kayo nang maayos. At huwag kayong sumigaw. Ano bang pinagtatalunan niyo? Babae?"

Bigla nagbago ang mga expression nang mga mukha nila. Kanina lang nagsusukatan nang mga tingin ang mga ito at parehong akala mo'y any minute magsusuntukan na. Magkasabay rin na nagtanggal nang bara sa lalamunan ang mga ito at umiwas nang tingin.

"Tara Princess, kain tayo. Libre ko."

Nakangiting anyaya sa akin ni kuya James. Sasagot na sana ako nang bigla tumutol na naman sina Prince at Kuya Vince.

"Huwag mo nga siyang niyayaya, James."

"Mag-isa ka na lang, James."

Nawala ang mga ngiti ni kuya James at nakakunot noo na binalingan na naman iyong dalawa.

Maging ang ibang Zairin boys napapalingon na rin sa amin.

"Ano kayang trip nang dalawang 'yan?", rinig kong turan nang isa sa mga Zairin.

Napalingon na rin ang kanina pang busy na si kuya Renz at relax na umupo, sumandal sa upuan saka pinagcross ang dalawang braso sa dibdib at nagtatakang tumingin kela Prince at Kuya Vince. "Pati ba naman pagyaya ko kay Princess na kumain pinoproblema niyo na rin? Lakas nang apats niyo ah. Kayo ba niya-yaya ko?"

"Kakausapin ko si Patty."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"May sasabihin ako kay Pat-pat."

Magkapanabay na naman nilang sambit.

"Teka nga.", singit ni kuya Niko na hindi na nakatiis. "Ano bang sasabihin niyo kay Cutie pie at sabay pa kayo? May naaamoy akong kakaiba sa inyo."

Pumagitna ito sa dalawa na seryoso na namang nakatingin sa isa't isa saka ito umakbay sa dalawa.

"Sabihin niyo na ngayon.", nakakalokong turan sa dalawa.

Binalingan naman siya nang mga ito at sinamaan nang tingin pero nginisian lamang ang mga ito ni kuya Niko.

Ano nga ba ang sasabihin nila sa akin?

Hindi na ako mapakali kaya tumayo na ako.

"Patty, tara kain na lang tayo."

Nagulat na lang ako ng higitin ako ni kuya Renz sa isang braso ko palabas nang room. Sumunod naman sa amin si Kuya James.

Hindi ko mapigilan na lingunin sila Prince at Kuya Vince.

Kitang-kita ang gulat na nakarehistro sa mukha nang mga ito habang nakatanaw na lang sa amin na papalayo.

"Lakas nang amats no'ng dalawa."

"Hayaan mo na, mga mongoloids yung mga 'yon. Mga walang backbone, parang hindi mga lalake.", anito sabay ilang beses na umiling.

Hindi ko napigilan matawa sa sinabi ni kuya Renz pagkarinig sa sinabi nito. Minsan talaga may mga hindi ka inaasahan na mga karacter at pag-uugali nang tao.

Pero sa kabilang banda parang may iba pa siyang ibig sabihin doon sa sinabi niya. Parang may double meaning.

"Sino ba kasi ang pinag-aawayan nang dalawang iyon? Iyon bang Lina ang pangalan?"

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. It hit me big time.

Si Lina. Ano na ba ang status nila ni Prince? Tuluyan na ba talagang naniwala kay Lina ang binata?

Huminto kami nang naroon na kami sa tapat ng mga stall na pinaglalagyan nang mga pagkain dito sa cafeteria.

Sa kakaisip ko hindi ko namalayan naririto na kami sa cafeteria.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "I don't know.", narinig kong mahinang turan ni Kuya Renz kay Kuya James.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil nito sa aking palad.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya naman nginitian ko siya.

"Pili ka na Princess ng gusto mo, libre ko.", masayang usal ni Kuya James sa akin saka masuyo akong hinaplos sa buhok.

Sa totoo lang wala akong gana kumain ngayon ngunit nakakahiya naman kung tatanggi ako.

Masaya kaming tatlo na kumain. Hindi nauubusan nang kwento itong si Kuya James.

"Dude, oo nga pala. Invite ko kayong mga Zairin sa bahay after class."

Awtomatik bigla akong nakaramdam nang kaba. Malapit na kasi iyon at hindi ko pa nasasabiha sila mommy about sa pag-imbita ng mga Dela Vega sa amin.

"Yow! Anong mayroon? Birthday ba ni Tita? Ng kuya mo? or ni Tito Miguel?"

"No. Wala namang may birthday."

Tumingin muna sa akin si Kuya Renz bago binalingan muli si Kuya James.

"We have a big announcement. Isa ito sa pinaka-importanteng announcement na magaganap sa pamilya namin kaya dapat naroon kayo."

"Ikakasal ka na, dude?"

"Gagi!"

"Joke lang."

Sabay silang nagtawanan kaya nakitawa na lang din ako. Hindi rin talaga ako mapalagay.

"Excited na ako."

Marami ang estudyanteng nakarinig sa loob ng cafeteria kaya naman nagsilapit sila sa table namin at nagpaalam kung pwede sila pumunta sa bahay nang mga Dela Vega and Kuya Renz said yes. "Patty, make sure makakapunta ka ha, with your..... parents."

Nanlamig ang mga kamay ko.

Tumango na lamang ako, dahil sa kaba hindi ko na magawang magsalita.

Ngumiti ito saka pi-nat ang ulo ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.