Respectfully Yours

Chapter 58



Chapter 58

Anikka

"Pasalamat ka mabait kami! Kundi nakuu! Magtatampo kami sayo kahit broken hearted ka." Ani ni

Nicole habang nakapamaywang pa sa akin, tila isang akong batang pinagagalitan ng kanyang ina.

"Hay nako, tigilan mo na nga si Anikka sa pagmumuryot mo. Kitang nalulungkot ang tao dito, gusto mo

pang palungkutin lalo. Dapat sikapin natin siyang pangitiin sa mga oras na ito." Ani ni Yen habang

inaakbayan niya ako.

Ikaw naman Anikka, kaibigan mo kami, dapat pinagsasabihan mo kami ng mga problema mo. Huwag

mo naman kami itulad kay Eris. Madadamayan mo kami." Mapait lamang ako ngumiti sa kanya. I'm

really sorry for that ayaw ko lang naman kayo pag-aalahanin. Kahit papaano ay nabawasan ang poot

sa akin dibdib, dahil atleast alam ko na may makakaramay ako.

Maya-maya ay napatitig lamang ako sa aking desk ng may mapansin akong kulay silver na papel.

Agad ko itong dinampot, pero itinaob ko rin ito agad.

"Ano yan girl?" Ani ni Nicole sabay kuha nung kulay silver na papel, hindi na rin ako nakapalag sa

kanya dahil sa bilis ng kanyang mga kamay.

"Oh! silver aniversary pala ng kumpanya niyo. Wala kang balak pumunta girl."

"Use your coconut Nicole, kitang may Lukas Aragon na nakasulat diyan!"

"Kaya nga dapat na mas pumunta diyan si Anikka."

"Ewan ko sayo Nicole, siraulo ka talaga."

Palipat-lipat na lamang ako ng tingin sa dalawa, halos mahilo at sumakit ang aking tainga sa

pagbabangayan nila.

"Tama ka Yen, di ako pupunta." Sabi ko, ayoko pa siyang makita. Hindi ko kaya,mas lalong sumariwa

pa ang sakit sa akin.

"Ano ka ba Anikka, pumunta ka dito." Pagpupumulit ni Nicole.

"Para saan pa." Sabi ko, oo tama dapat hindi ko na siya makita pa. Ayoko na talagang masaktan.

"Ang bitter mo naman masyado, ipakita mo kay Lukas kung sino ang pinakawalan niya. Ipakita mo

yung Anikka Celyne Fuentes na matapang."

"Ay oo nga girl! This is revenge!" Ani ni Yen habang pumapalakpak pa. Napailing lang ako sa kanila.

No I should not go there. Ayoko siyang makita, sa tuwing nakikita ko siya ay namumuhi ako sa kanya,

masasaktan lang ako.

"Kaya mo yan girl."Sabay nilang sabi sa akin habang hawak nila ang aking mga kamay. Napatingin ako

sa kanilang dalawa. Yes I admit, I'm weak right now, pero binibigyan nila ako ng lakas ng loob para

bumangon. Tama dapat bumangon ako at kalimutan ang lalaki na iyon. Hindi pwede na magdusa ako

sa kasalanan niya sa akin.

............................

Nakabalandra sa aking harapan ang kulay red na long gown. Nag-aalanagan ako kung itutuloy ko ba o

hindi. Kaya ko ba silang harapin, si Lukas o baka si Eris. Baka masaktan lang ako, ayoko na talaga.

Ayoko ng madagdagan yung kirot.

"Ano ka ba Anikka, kaya mo yan. You must face them. Rise!" Tumango lamang ako kay Nicole, siguro

nga dapat ko talaga silang harapin, kailangan maging matapang ako.

"Ok Tita Berns do your magic to her."

And this will be a change

............................

Lukas

"By my date." Hindi ko na lang siya pinakinggan. Wala akong pakialam sa kanya

"This is the last thing na hihingin ko sayo, pagkatapos nito wala na." Napalingon ako sa kanya,

"Huwag mo nga ako pinagloloko Eris!" Hindi ko mapigilan na masigawan siya. Hindi niyo ako masisi.

Siya ang dahilan ng lahat ng ito, kung bakit ako miserable ngayon, yung bakit ayaw na sa akin ni

Anikka.

"After this, sasabihin ko kay Anikka na wala talagang namamagitan sa atin, na ako ang may pakana ng

lahat. Just let me feel you. Kahit plastikan lang, iparamdam mo sa akin na mahal mo ko." Napailing

ako, no hindi pwede, si Anikka lang ang pwedeng makaranas ng pagmamahal ko at hindi siya.

Ayokong gawin iyon, ayokong panghawakan niya ang kunyaring pagpaparamdam na mahal ko siya,

dahil gusto ko na siyang mawala. Siya ang gumulo sa amin ni Anikka.

Pero..

Iyon din naman ang paraan para magkaayos kami ni Anikka, kailangan niyang aminin ang kanyang

pagkakamali. Kapag ako lang, she will never believe me, ni ayaw na niya akong pakinggan

Napapikit ako ng mata, hindi ko alam ang dapat gawin, mukhang kailangan kong kumapit sa patalim.

"Fine." Nakapikit kong sabi.

Nasa labas lamang ako at hinihintay si Eris, sabi niya kasi sabay kami na pumasok.

Um-oo na lang ako, para masiyahan siya at tuluyan na siyang lumayo. I'm just doing this for Anikka,

para patunayan sa kanya na walang namamagitan sa amin.

Maya maya ay may humintong limousine sa harap ko.

I saw my Anikka getting out of the car.

Hindi ko maiwasan na mapatanga sa kanya. She's so gorgeous to her red gown, too perfect to be my

queen. Napangiti ako, konting tiis na lang, magkakaayos na tayo.

Papalapit siya sa akin, ayan na. Papansinin niya ba ako? Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig

ko.

Napakaganda niya. To think that she is the fairest to all of them.

Pero nilagpasan niya ako.

Ni hindi man lang siya tumingin sa akin, parang hindi kami magkakilala.

Napayuko ako at pinipigilan ang aking mga luha.

Please dont be like this Anikka, masakit.

Nagulat ako na may biglang lumapit sa akin na mga press.

"We heard that you already have a fiancee, that's good for you Mr. Aragon."

"Can you introduce that lucky girl to us." Tila gusto ko siyang hilahin dito, at ipagmalaki sa kanila na

siya ang mahal ko. Sana nga magagawa ko pa iyon.

"I am." Bigla akong napatingin sa kanya, bakit siya. I never propose to her. Hindi ito kasama sa usapan

namin.

"Oh such a beautiful lady, bagay kayo." Gusto kong tumutol. No! Hindi totoo si Anikka pa rin ang

fiancee ko, ang girlfriend ko, ang mahal ko. Siya lang ang babaeng babagay sa akin.

Napatingin ako sa kanya, ngiting ngiti siya na nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ngayon lamang

itong bagay na ito. Pagkatapos nito ay tapos na.

"Please Lukas, ngayon lang ito." Hindi na lang ako kumibo. Oo ngayon lamang ito mangyayari at hindi

na mauulit. Pagkatapos naman ito ay maayos rin ang lahat.

Iba ang pakiramdam ko ngayon, para bang may nakatingin sa akin.

It's her.

Oh no Baby. She's crying.

Agad ko siyang hinabol. No please it is not what you think, hindi totoo ang mga narinig mo.

Anikka

"Chin up girl, kaya mo yan." Ani ni Nicole at dahan dahan na itinaas ang nakayuko kong mukha.

Kinakabahan talaga ako, ewan ko ba. Gusto ko ng umurong, parang hindi ko talaga siya kayang

makita.

"Go Anikka, kaya mo yan."

Tama, dapat kayanin ko. Hindi na dapat ako magpaapekto sa kanya, tama na ang sakit.

Tumapat yung limo sa kanya. Kung sinuswerte nga naman.

Huminga muna ako ng malalim, kakayanin mo ito Anikka. Be strong.

Dahan dahan akong lumabas at sinikap na huwag siyang tignan at ituring na isa siyang hangin. Ayoko

siyang tignan, baka di ko mapigilan ang sarili ko.

Ayoko umiyak sa napakaespesyal na araw para sa lolo ko, magiging masaya muna ako para sa kanya.

Pagbukas namin ng pinto ay agad akong sinalubong nila Mama.

"Apo, akala ko ba hindi ka pupunta."

"Hindi ko pwede palagpasin ang isa sa mga pinakamahalagang araw para sa inyo Lolo." Sabi ko sabay

ngiti ko sa kanila, ewan ko ba kung tunay pa itong ngiti ko, lalo pa at natetension ako. Baka makita ko

siya dito o magtanong tungkol sa lalaking iyon. Wala akong maisasagot.

"Anak, you're so gorgeous. Buti naman at naisipan mo na mag-ayos ayos ha." Ani ni Mama sabay

beso sa akin.

"Yes ma, I need to."

"Si Lukas, bakit hindi mo kasama?" Tanong ni Papa. Bigla ako g natahimik, hindi ko alam ang aking

sasabihin. Para akong natameme. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanila.

"Naku tito, pinauna na niya po si Anikka e." Ani ni Nicole habang nakipagbeso-beso kay mama.

"Ay ganun ba. Mapagsabihan nga ang apo kong iyon, dapat ay hindi niya iniiwan na mag-isa si

Anikka." Singit naman ni Lolo Hernan.

"Naku, Lolo ok lang po iyon, binilin naman ni Lukas si Anikka sa amin." Nakahinga ako ng maluwag ng

sumingit si Yen, hindi ko na talaga alam ang gagawin, baka masabi ko ng de-oras.Mapaano pa si Lolo.

Laking pasasalamat ko talaga na kasama ko sila ngayon.

"Naku alam namin ang tingin na ganyan Anikka, nauunawaan ka namin na di mo pa kayang sabihin sa

kanila, pero dapat malaman nila ha."

Tumango na lamang ako at mahinang nagpasalamat sa kanila. Kahit papaano ay masaya ako dahil

nauunawaan nila ang aking sitwasyon. Hindi ko kasi alam ang maari nilang maging reaksyon kapag

nalaman nila na wala na kami. Lalo na sa Lolo Juan ko, na gustong magkaapo uli. Alam kong

malulungkot siya kapag nalaman iyon, naghahanap lang ako ng tiyempo.

Agad ako napalingon sa may gawi nila Lukas. Mukhang masaya sila ni Eris, talagang totoo na may

relasyon sila. Kitang kita talaga lalo na sa paraan na pagkapit ni Eris sa kanya, parang alinta na hindi

mahihiwalay.

Agad kong inalis ang tingin sa kanila, parang naninikip ang aking dibdib.

Hinga ng malalim Anikka kaya mo yan.

Ibinaling ko na lang ang pansin sa pagkain pati na rin sa mga kaibigan ko na kung ano ano ang mga

kinukwento. Buti naman at kahit paano ay naiibsan ang sakit na namumuo. Siguro ay kaya ko na

talaga silang harapin na hindi na gaano pang nasasaktan.

"Anikka doon tayo sa may chocolate fountain." Aya ni Nicole, napatingin naman ako doon, malapit

doon ang hinayupak na iyon kasama ang linta kong kaibigan.

Agad kaming tumungo doon, oo kakayanin ko ito na harapin siya. Just be strong Anikka, be strong.

Agad akong kumuha ng strawberry at sinawsaw sa chocolate fountain. Lasang lasa ko ang

pinaghalong tamis ng dalawa. I wish I can be sweet like this, pero hindi na e. I'm still hurt, lalo pa sa

nakikita ko sa harapan ko. Belongs to © n0velDrama.Org.

Paalis na ako pero sadyang may mga salita na nagpahinto sa akin.

"We heard that you already have a fiancee, that's good for you Mr. Aragon."

"Can you introduce that lucky girl to us."

"I am."

"Oh such a beautiful lady, bagay kayo."

Napahawak ako sa aking dibdib. Nandyan na naman ang kirot na tumusok sa aking dibdib. Huminga

ako ng malalim pero mas lalong sumakit, lalo pa at nakikita ko na ang saya saya pa nilang nag-uusap.

Ang bilis niya talaga akong palitan, dati ako ang fiancee niya ngayon si Eris agad. Wala pang isang

linggo napalitan na kaagad ako. Well oo nga pala matagal na silang may affair. Siguro ay sinamantala

na nila gayong wala na ako na hahadlang sa kanila.

"Anikka!" Narinig kong sumigaw si Lukas, umuling ako sa kanya at tumalikod.

Tumakbo ako palayo, sinikap kong bilisan. Ayoko siyang makita, ayokong marinig ang mga

kasinungalingan na sasabihin niya.

"Anikka, mali ang narinig mo hindi totoo iyon." Sinungaling ka Lukas! Rinig ko ang lahat, ni hindi ka

man lang tumututol nung sinabi ni Eris na siya. Putangina lang talaga? Pinagloloko niya pa rin talaga

ako.

"Anikka please, just open this door, kausapin mo naman ako o. Please believe me, kahit ngayon lang."

No hinding hindi dapat ako maniwala sayo dahil isa siyang manloloko. Ang tulad niya ay hindi na dapat

paniwalaan pa.

"No Lukas! Ayoko ng maniwala pa sa kasinungalingan mo. Ayoko na sayo!" Hindi ko na mapigilan na

humagulgol, ang sakit sakit sabihin para sa akin iyon. Na ayaw ko sa kanya kahit may pagmamahal pa

akong nararamdaman sa kanya.

"Anikka, please. Dont do this to me. Mahal na mahal kita baby. Listen." No! Hindi ako makikinig sa

kanya. Sinungaling! Mahal daw ako pero nagawa niya akong ipagpalit. Putangina niya talaga.

"You hurt me Lukas! Huwag mo na ako patayin pa!" Pinilit kong maging malakas sa sigaw na iyon.

Hindi ko na kaya. Ayoko na talaga.

"Anikka. Baby Anikka.." Malambing niyang sabi. Mariin akong napapikit at dinama ang pagtawag niya

sa aking pangalan. I really missed calling me like this.

"Just leave, di mo na ako makukuha sa paganyan ganyan mo." Hirap na akong sabihin iyon sa kanya,

dahil sa pag-iyak ko. Kahit namiss ko ang pagtawag niya sa akin ng ganoon. Hindi pa rin maiaalis ang

poot na nararamdan ko. Pakiramdam ko ay hindi siya sinscere sa pagtawag niya sa akin nun, parang

napipilitan lamang siya. Hindi tulad noon na kilig na kilig pa ako.

Maya maya ay may narinig akong yabag, siguro ay nakalayo na siya.

Doon ko mas binuhos ang pagtatangis na nararamdaman ko. Ang sakit sakit, hinang-hina ako. Pagod

na ako masaktan, ang hirap hirap. Kasi parang araw araw na lang na may punyal na tumatarak sa

puso ko. Ang sakit.

Gusto siyang pagbuksan at paniwalaan. Pero hindi ko magawa, malinaw sa akin na niloko niya ako,

ang poot at galit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung kaya ko pang

ibigay ang tiwala ko, ganun na nasasaktan ako ng ganito ng malaman ko na niloloko niya ako.

Nakainis bakit ganito. Inis na inis na ako, napakatanga ko talaga,dahil sa kabila ng panloloko na

ginawa niya sa akin, kahit pa namumuhi ako sa kanya. I cannot change the fact that I still love

him.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.